TAMANG KAALAMAN SA KARAPATAN NG MGA EMPLEYADO SA TAMANG ORAS NG TRABAHO AT TAMANG PASAHOD!
- Haycen Ablaza
- Sep 27, 2019
- 2 min read
Updated: Sep 29, 2019
LABOR CODE OF THE PHILIPPINES
UNDER THE PROVISION OF ARTICLE 82
ANO NGA BA ANG REGULAR NA ORAS NG TRABAHO NA DAPAT NATIN GUGULIN SA BAWAT ARAW?
>UNA, ANG ISANG EMPLEYADO AY MAY 8 ORAS KADA ARAW PARA TAPUSIN ANG KANIYANG TRABAHO, NGUNIT HINDI DAPAT BABABA DITO. SAMAKATUWID 40 HOURS ANG KABUOAN KADA LINGGO, UPANG MAPANGALAGAAN PA DIN ANG KALUSUGAN NG MGA EMPLEYADO.
>IKALAWA, KUNG LALAMPAS SA 8 HOURS KADA ARAW ANG TRABAHO NG EMPLEYADO, MAGKAKAROON NG DAGDAG NA 25% KADA ORAS NA MAGIGING OVER TIME.KUNG PAGTATRABAHUHIN NAMAN ANG EMPLEYADO SA ARAW NG KANYANG REST DAY, ITO AY ENTITILED NA MAGKAROON PO NG 30% ADDITIONAL PAY.
MAAARI BANG MAGTRABAHO NG LESS THAN 8 HOURS?
>OO PWEDE. MERON TAYONG BATAS NA DAPAT AY 8 HOURS ANG REGULAR NA WORKING HOUR, PERO HINDI IPINAGBABAWAL ANG PAGTATRABAHO NG KULANG SA 8 ORAS. KAYA PINAHIHINTULUTAN NA MAGKAROON NG MGA PART-TIME JOB, AT SILA AY BINABAYARAN ALINSUNOD SA HABA NG ORAS NA GINUGOL NILA.
MAGKANO ANG DAPAT NA KITAIN NG ISANG PART-TIME EMPLOYEE?
> ANG SWELDO AT BENEPISYO NG ISANG PART TIME EMPLOYEE AY NAKA PROPORTION SA KANYANG ORAS NA IPINAG TRABAHO. HALIMBAWA, SYA AY BINABAYARAN NG 400.00 KADA 8 HOURS SA TRABAHO, IBIG SABIHIN KUNG 4 NA ORAS SYA NAGTRABAHO 200.00 ANG IBABAYAD SA KANYA.
ANO ANG TAMANG ORAS NA DAPAT BAYARAN?
>ITO YUNG TINATAWAG NATIN NA COMPENSABLE HOUR. ITO YUNG LAHAT NG ORAS NA IPINAG TRABAHO MO HABANG NAKA DUTY KA, ITO MAN AY SA LUGAR NG PAG AARI NG IYONG EMPLOYER O KUNG SAAN KA MAN ITINALAGA NG IYONG EMPLOYER.
ANO ANG OVER TIME?
>ITO YUNG SOBRA SA DAPAT NA 8 ORAS SANA NA TRABAHO MO. KADA ORAS NA SOSOBRA SA DAPAT NA 8 ORAS LAMANG NA TRABAHO AY MAY KAUKULANG 25% NA DAGDAG SWELDO. PERO KUNG IKAW AY NAG TRABAHO NG REST DAY MO IKAW AY MAY KAULANG 30% NA DAGDAG SWELDO.
MAAARI KA BANG HINDI BAYARAN SA OVER TIME KUNG NAGKAROON KA NG UNDER TIME SA TRABAHO?
>HINDI. IPINAGBABAWAL NG BATAS NA IBAWAS SA OVER TIME PAY ANG UNDER TIME NG ISANG EMPLEYADO. SAPAGKAT MAS MATAAS ANG BAYAD NG OVER TIME KESA SA BAYAD NG NAGING UNDER TIME.
SINO-SINO ANG COVER NG BATAS NA ITO?
>LAHAT. Maliban sa, managerial personnel, government employees, non agricultural field personnel na ang oras ng trabaho ay di kayang makalkula, family members na naka dipende sa employer, house helpers, kasama na ang mga manggagawa na per piraso ang gawa o naka kontrata ang gawa.
ANG TRABAHO BA SA PAGITAN NG 10:00P.M HANGGANG 6:00A.M AY MAS MATAAS ANG BAYAD?
>OO. SA ILALIM NG LABOR CODE NG PILIPINAS, LAHAT NG EMPLEYADO AY DAPAT BAYARAN NG NIGHTSHIFT DIFFERENTIAL NA HINDI BABABA SA 10% NG KANYAN REGULAR NA SWELDO KUNG SYA AY NAGTATRABAHO SA PAGITAN NG 10:00P.M HANGGANG 6:00 A.M.
Comentarios